misteryo ng auto-emo
Masayahin akong tao. As much as possible, sinusubukan ko talagang ngumiti at gawing masigla ang araw ko. Pero, bakit may mga sandali paring bigla akong nalulungkot? Ako lang kaya ang nakararamdam ng ganito? Yung moment na may mga random thoughts na papasok sa utak mo… tapos mamaya malulungkot ka nalang. yung lungkot na sagad to the bones. Yung puro panghihinayang yung iniisip mo. Sana ganito sana ganyan. Yung mga pangyayari sa nakaraan mo na gustong gusto mo balikan(lalo na yung masasaya). Bakit ganon? Diba masasayang alaala yun? bakit pagsumagi sa isip mo yun at nagplay ng parang video sa youtube e parang nakalulubay? Nagegets niyo ba yung gusto kong sabihin? Basta. Yun yon.
Isa pang notorious na sanhi ng pagaauto emo ko ay yung hindi makatulog sa gabi at patay na yung ilaw. Sabayan mo pa ng mga senting tugtog sa ipod. Nako patay na. Parang mas pipiliin mo pa na may manggugulo na multo sa’yo e. Kaso kalungkutan yung bumabalot sayo.
Ano kaya ang mabisang lunas dito. Wala namang anti Auto-emo capsules na binibenta sa botika. Wala pa rin naman akong na eencounter na ganitong topic sa mga asignatura namin.
Sa ngayon siguro, ang pinakamabisang panangga at pamuksa sa auto-emo na ‘to ay tulog. Itulog mo nalang yan, Ako yun gagawin ko para mawala e. Ay, isa pa pala, magdasal kay papaGod. For sure hindi ka Niya pababayaan!
-
junofigueroa reblogged this from junothegreat
-
the-teenage-mess likes this
-
thisfaceisalie likes this
-
papacaloy likes this
-
junothegreat posted this


