Kama.
Kasama ko siya sa gabi hanggang umaga.
Sa kanya ay pagulong gulong ako magdamag.
Iba’t iba ang posisyon.
Iba’t iba ang anggulo.
Sa tagal kong nakadapa sa kanya’y nalilibot ko na ang kalawakan,
nalangoy ko na ang buong karagatan,
natahak na ang matatarik na bundok,
napasok ang madidilim na kuweba.
Tuwing malamig naman ang panaho’y tinatakpan ko siya ng kumot.
Kung maalinsangan nama’y walang nakasaplot.
Buong buo kong ibinibigay sa kanya ang aking sarili.
Walang pag-aalinlangan, sige lang nang sige.
Madalas niya akong inaakit.
Sinlakas ng tukso.
Tila isang batu-balaning itinabi sa bakal.
Makatitiyak kang madidikit ka sa kanya sa huli.
Ngayo’y nararamdaman ko na ang kanyang tinig.
Inaawit niya ang aking pangalan.
Marahil ay gusto na niya.
Gusto na niya akong makasama.
-
junofigueroa reblogged this from junothegreat
-
the-teenage-mess likes this
-
wickipetpet likes this
-
thisfaceisalie likes this
-
doubleduke likes this
-
junothegreat posted this


